dolliefication
Sep 23
526
18.9%
WERPA 2.0!!!
Maraming salamat sa lahat ng LABsters na sumuporta sa series naming ito!
Potaena! Naka-gawa kami ng isang musical! Minsan di pa rin ako makapaniwalang na pull off namin siya, pero linggo linggo yung panonood at yung mga good comments niyo about the show makes me really want to cry! Kung alam niyo lang yung pagod at sacrifices ng lahat para magawa tong show na ito! It makes all of it worth it! And dahil sa inyo di na ako mahihiyang i-claim na maganda tong series na ginawa namin! So salamat sa inyongga LABsters!
Nagsisimula pa lang kami ng workshops, sinasabi ko na sa cast ko na tulong tulong kaming lahat sa pagbuo ng isang magandang show. Sobrang proud ako sa kanilang lahat dahil aminin niyo hindi sila mukhang mga baguhang artista! Lahat sila lumelevel up kahit na karamihan sa kanila ay bago sa larangan ng pag-arte! Masaya akong nagtiwala sila sa akin at nakinig sila sa mga direction na binigay ko sa kanila. Kaya sobrang happy ako pag na appreciate niyo talaga how good they were able to portray their characters! Ayon lang!!
Anyways salamat talaga din sa mga kanta ni Kuya Jonathan! Without those songs hindi naman maitatayo ang show na ito!
Salamat din sa lahat ng staff ko! Sila ang kalahati sa rason kung bakit nakayanan kong i-shoot itong series na ito! Mahal ko kayong staff ko kahit di ko yon madalas sinasabi! Haha!
Salamat din sympre sa Dreamscape Entertainment at ABS-CBN. Kay Sir Deo, Ate Carl, sir Rondel at sa lahat ng go signal sa project na ito. Nakaka-tuwang pinagkatiwalaan niyo akong gumawa ng isang project na kagaya nito!
Yon lang naman!! Salamat sa lahaaaat! Sana nag enjoy kayo sa mundo ng PNCM!
dolliefication
Sep 23
526
18.9%
Cost:
Manual Stats:
Include in groups:
Products:
