ejaythefalcon
May 10
22K
5.24%
Sa lahat po ng nanindigan, nagpakita ng suporta, nagtiwala, nagmahal at bukas palad na tumanggap sa isang Ejay Falcon, hindi bilang artista kundi bilang isang kababayan nyo na nag nanais maglingkod ng buong puso, MARAMING MARAMING SALAMAT PO.
Hindi naging madali ang laban pero bawat isa po sa sa inyo ang dahilan kung bakit po tayo nagtagumpay. Ilang beses po tayong ibinaba, minaliit at hinusgahan pero kayo po ang nag angat at nag panalo sa isang Ejay Falcon.
Utang ko po sa inyo ito at hayaan nyo pong bayaran ko kayo ng tapat at malinis na paglilingkod.
Ang mga ngiti, palakpak at hiyaw nyo po ang nagbigay sa akin ng lakas na kaya natin ito. Hindi ko po maipaliwanag sa mga salita ang saya at galak na nararamdaman ko ngayon dahil gustong gusto ko na pong magsimulang maglingkod sa inyo.
Sa lahat ng mga kabataan, ito na si Ejay Falcon ang Kuya nyo sa Sangguniang Panlalawigan. Umasa po kayo mga kababayan ko na may action star po kayo na magtatanggol at tutulong para sa kapakanan at interes ng lalawigan at magbibigay ng dobleng aksyon para sa mga mamamayan.
Ito po ang bagong Bise Gobernador ng Oriental Mindoro, ready to serve you🙏
EjayFalcon-Mindoreño-Kakampi nyo.
ejaythefalcon
May 10
22K
5.24%
Cost:
Manual Stats:
Include in groups:
Products:
