2.6K
2.02%
📌 REPOSTING FROM FACEBOOK MEMORIES BAUL CIRCA AUGUST 2019 B.C. BEFORE COVID PO OPO I think natsika ko na rin ‘to sa @awkpstuffs ⌛️ Kwento ko lang kahit wala namang nagtatanong 🤣: Parang first unofficial date yata namin ‘tong Yakimix nung may Yakimix pa sa Morato. Kakatapos lang nun ng rushes-viewing yata ng Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo? sa Starpost na Roadrunner pa noon. Tinext niya ‘ko, kung gusto ko raw kumain sa Yakimix. Nag-isip pa ako mga 2 seconds, tapos sabi ko gowww. Wahahaha Background lang: Mahal na ‘yung Yakimix para sa akin nun. Fastfood at foodcourt lang talaga ako nun dahil ya know naman da sweldo of an aliping scriptcon. ‘Yung Yakimix, pang-birthday ‘yan. E hindi ko naman birthday nun. Cut to: Magbabayad na. So pasikat si Dan, sabi nya, “Ako na magbabayad.” E I’m a strong, independent woman so sabi ko, “Ay hindi, ako na magbayad nung sa’kin.” Tapos syempre meron nung super cliché na, “hindi ako na”, “ako na”, “ako na!” hanggang nag-give in siya, so ako na nga magbayad nung sakin. Kinuha ko wallet ko, MUMSH P200 NA LANG ANG LAMAN. JUSKO JUSKO LUPA LAMUNIN MO AKO. Ano, nagpapaka-strong independent woman, wa naman pala pera!!! (Background uli: Usually nun, minimum na P200 lang talaga winiwithdraw ko, pangontra-gastos pag nasa mall, tsaka para kapag nasa shooting, at may dumaang tindera, hindi ako mabubuyong manlibre wahahaha) So ayun sabi ko kay Dan, sige ilibre mo na ako. Sa next time, ako naman. Di ko na maalala ‘yung next time kung saan pero basta CUT TO: may Yakimix sa Trinoma kaya dito kami kumain kahit di naman talaga kasarapan waw siniraan pa. Nung kinuha na namin ‘yung bill, nilabas ni Dan wallet nya. Sabi niya, “Ako na.” So sabi ko, GOOOOOOOOOO IKAW NA!!! (Six years na kami, mag-agawan pa ba sa bill?!?) Sabi ko, ako na lang sa...parking. WAHAHAHA DEHADO PA RIN SIYA??? Ang haba, walang lesson, walang alarm, walang anything. Ay baka ito, nalaman kong ang love language ni Dan ay...money. MONEY!!?!?!? CAMPAIGN PERIOD?!? Wahahahaha I thank you bow.
2.6K
2.02%
Cost:
Manual Stats:
Include in groups:
Products: